Grace Poe
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
| Grace Poe | |
Senador ng Pilipinas
Halal | |
| Kasalukuyan | |
| Panunungkulan 30 Hunyo 2013 | |
Tagapangulo ng Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon(MTRCB)
| |
| Panunungkulan 10 Oktubre 2010 – 2 Oktubre 2012 | |
| Sinundan si | Ma. Consoliza P. Laguardia |
|---|---|
| Sinundan ni | Atty. Eugenio H. Villareal |
| Kapanganakan | 3 Setyembre 1968 Jaro, Lungsod ng Iloilo,Pilipinas |
| Kabansaan | Pilipino |
| Partidong politikal | Malaya (ka-alyado ngPartido Liberal) |
| Asawa | Teodoro Daniel Misael "Neil" V. Llamanzares |
| Mga anak | 3 |
| Tirahan | Lungsod Quezon |
| Relihiyon | Romano Katoliko |
| Websayt | http://gracepoe.ph/ |
Si Mary Grace Sonora Poe Llamanzares (ipinanganak 3 Setyembre 1968), kilala bilang si Grace Poe-Llamanzares o sa mas simpleng Grace Poe, ay isang politiko mula sa Pilipinas na nagsilbi bilang Tagapangulo ngLupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon (MTRCB) mula 2010 hanggang 2012. Siya ay tumatakbo para sa pagkapangulo ng Pilipinas sa darating na halalan sa taong 2016.
Buhay
Isinilang sa Iloilo subalit inabandona ng kanyang tunay na nanay. Siya ang inangking anak ng Pambansang Alagad ng Sining na si Fernando Poe, Jr., ang Hari ng Pelikulang Pilipino, at ang kaniyang asawa na si Susan Roces, na nagpalaki sa kanya sa Maynila bilang kanilang nag-iisang anak na babae. Nag-aral sa Pilipinas at sa Estados Unidos, kung saan siya nakapagtapaos sa Boston College. Lumaki siya sa Estados Unidos bago siya bumalik sa Pilipinas noong 2004, nang pumanaw ang kanyang ama ilang buwan pagkatapos ng halalan ng 2004.
No comments:
Post a Comment